WebClick Tracer

Sandara Park, Jennie Kim binida ang abs para sa Calvin Klein

Trending ang pa-abs ng dalawang South Korean superstar na sina Sandara Park at Blackpink member Jennie Kim para sa isang clothing company.

Trending ang pa-abs ng dalawang South Korean superstar na sina Sandara Park at Blackpink member Jennie Kim para sa isang clothing company.

Ilang araw na ngang pinagpipistahan ng mga netizen ang mga photo ni Jennie na flat na flat ang tummy at super kinis ng balat sa kanyang photos para sa Calvin Klein.

Si Sandara naman, nag-post ng photos niya suot ang aniya’y gift mula sa company.

Napa-comment pa nga rito ang kanyang bff sa ‘Pinas na si Joross Gamboa, “Ay wala na di na talaga papa awat… cge dito lang kami sa likod mo to support.”