WebClick Tracer

Dennis Trillo nagpakilig sa birthday message niya kay Jennylyn Mercado

Tagos to the bone ang sweet message ni Dennis Trillo para kay Jennylyn Mercado na nagdiwang ng kaarawan nito.

Tagos to the bone ang sweet message ni Dennis Trillo para kay Jennylyn Mercado na nagdiwang ng kaarawan nito.

Inulan ng heart emojis ang comment section ng post ni aktor para sa kanyang wifey. Ang dami ngang nainggit at tila nilanggam sa napakatamis daw na mensahe ni Dennis para sa asawa.

Nag-post ang Kapuso actor ng photo nila ni Jennylyn habang nasa Japan, very sweet ang dalawa at may pa-kiss pa nga sa pisngi.

“Kulang ang mga salita at mga larawan para ipahayag ang aking pag ibig at pasasalamat sa’yo. Ikaw ay hindi lang ilaw ng tahanan kundi, haligi ng atin pag ibig at ng ating pamilya. Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, pag unawa,mga sakripisyo’t pag hihirap mo para sa aming lahat🙏🤍 I am forever grateful for you my Love,” sabi ni Dennis.

Ang ilang fans ni Dennis, si Ginoong Crisostomo Ibarra pa rin daw ang naririnig sa kanyang caption.

Hindi na nga mawawala kay Dennis ang markado niyang role sa ‘Maria Clara at Ibarra’.