WebClick Tracer

Matteo umaasang maaayos din ang relasyon sa magulang ni Sarah

Umaasa si Matteo Guidicelli na magiging maayos din ang relasyon niya at asawang si Sarah Geronimo sa mga magulang nito.

Inamin ni Matteo Guidicelli na hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nagkakaayos ng kanyang mga biyenan—mga magulang ng misis niyang si Sarah Geronimo.

Sa kanyang pagsalang sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ni Matteo na ipinagdadasal niyang maging okay ang lahat sa pagitan niya at mga magulang niya Sarah.

“I want to respect them the best way possible and I just wish one day everything will be okay because I know how much they love Sarah and how much Sarah loves them too,” ani Matteo.

“I pray every day for wisdom, for strength, wisdom, and humility na hopefully one day, maging okay ang lahat for Sarah’s peace of mind.”

Tatlong taon nang kasal sina Matteo at Sarah pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nakakausap ang mga magulang ng kanyang misis na sina Tatay Delfin at Mommy Divine.

Sinabi rin ni Matteo kay Tito Boy na naniniwala siyang maaayos din ang lahat, “There’s always possibilities in life. They’re all doable, possible if you have the proper intentions to do anything? If it’s pure, straightforward, and with a pure heart, anything is possible.”