WebClick Tracer

Opisyal ng pulisya natagpuang patay sa condo

Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng dating hepe ng San Pedro City, Laguna.

Iniimbestigahan na ng Binan City Police ang pagkamatay ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang condominium sa Binan City Laguna nitong Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Police Lieutenant Ben Isidro Aclan, dating chief of Police ng San Pedro City Laguna.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakarinig umano ng isang putok ng baril mula sa kuwarto ng biktima ang security staff nito.

Nang silipin ng kanyang security staff, tumambad ang nakahandusay at duguang opisyal.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente