WebClick Tracer

Alden Richards, Coco Martin iba pang Kapuso, Kapamilya stars magkakasamang nanood ng ‘Unbreak My Heart’

Nagningning ang gabi sa TriNoma Cinema dahil sa pagsasama-sama ng mga stars ng Kapuso at Kapamilya network para sa celebrity watch party ng ‘Unbreak My Heart’.

Nagningning ang gabi sa TriNoma Cinema dahil sa pagsasama-sama ng mga stars ng Kapuso at Kapamilya network para sa celebrity watch party ng ‘Unbreak My Heart’.

Ang nasabing serye ay collaboration project ng GMA, ABS-CBN, Viu, at ng Dreamscape Entertainment Production.

Sa nasabing event nitong Sabado, May 20 ng gabi ay nagpunta para makiisa ang mga celebrity mula sa dalawang malaking network.

Gaya ng batikang aktor na si John Arcilla. Matatandaan na bago pa man ang kanyang paglabas sa ‘Ang Probinsyano’ bilang si Renato Hipolito ay napanood muna siya Hagorn sa ‘Encantandia’.

Nagpunta rin sa event sina Cherry Pie Picache, Coco Martin, at Julia Montes.

Maging ang young actress na si Andrea Brillantes ay nakitang rumampa rin sa red carpet para sa serye.

Spotted din sa event si Darren Espanto at Kyle Echarri.

Maging ang aktres at dyowa ni Carlo Aquino na si Charlie Dizon ay nakiisa sa watch party.

Present din sa event sina Jake Ejercito at si Angel Aquino.

Nagpakilig din ang attendance nina KDLex o tambalang KD Estrada at Alexa Ilacad.

Bukod sa mga Kapamilya star at executives, present din sa watch party ang mga Kapuso stars gaya nina Sanya Lopez, Dominique Roque, at Alden Richards.

Hindi rin siyempre Nawala ang cast ng ‘Unbreak My Heart’ na inaabangan na ang magiging buong role at appearance sa serye.