WebClick Tracer

Makagwapo bumanat sa mga akusasyon ni AwitGamer, pag-iyak ni Xander Arizala

Naglabas na ng reaksyon si Christian Merck Grey o Makagwapo sa mga akusasyon ni Xander Arizala at AwitGamer laban sa kanya.

Naglabas na ng reaksyon si Christian Merck Grey o Makagwapo sa mga akusasyon ni Xander Arizala at AwitGamer laban sa kanya.

Matatandaan na nag-post ng reaction video si AwitGamer kasama si Xander na napaluha pa. Nag-ugat ito sa umano’y P349,000 na pangako ni Makagwapo para sa binyag ni Baby Xerex na anak ni zander.

Reaksyon ni Makagwapo, nakikisawsaw lang umano si AwitGamer sa isyu nila ni Xander para mapag-usapan sa social media kahit pa hindi naman niya inalam kung ano ang panig niya.

“Kung sa akin lumapit si Marlou, una sa lahat aalamin ko muna ‘yung totoong nangyari,” sabi ni Makagwapo.

Kinuwestyon din ni Makagwapo ang perang sinasabi ni Xander na ipinangako raw niya.

“Paano nga ba sisingilin mo ‘yung ninong ng P349,000. Tsaka saan mo naman nakuha ‘yung P349K. Tsaka grabe naman ‘yung binyag ng anak mo, kasal? P349K hindi mo pa ginawang P350[K] nagputol ka pa talaga,” ani pa ni Makgwapo.

Giit pa n Makagwapo kay AwitGamer, hindi umano niya alam ang totoo sa nangyari, “Putak ka nang putak. Kaya ka nasusuntok sa mukha.”

“Ikaw kung matino kang tao iaasa mo ‘yung binyag sa ninong ng anak mo. Kung ako mangyari ‘yun, oo gusto ko ‘yun pero deep inside parang ayaw ko siyempre ‘yung pride ko natapakan,” sey pa ni Makagwapo.

Sa huli, hinamon pa ni Makagwapo si AwitGamer ng body challenge lalo pa’t inakusahan ng huli ang una na nandaya umano sa huli nilang match.

“Kung talagang may bay*ag ka, mag-body challenge tayong dalawa,” aniya.