WebClick Tracer

Kahit sikat na: Francine Diaz gusto ituloy pag-aaral

Kahit may career na sa showbiz ay gusto pa rin ni Francine Diaz na ipagpatuloy ang kanyang studies.

Kahit may established career na sa showbiz ay gusto pa rin ni Francine Diaz na ipagpatuloy ang kanyang studies.

Sa panayam sa ‘Magandang Buhay’, sinabi ni Francine na importante sa kanya ang pag-aaral dahil ‘pag kulang daw ang kanyang knowledge ay ‘powerless’ ang feeling niya.

“Mahalaga po sa akin ang pag-aaral kasi it makes me feel I am powerful. Ganun po kahalaga sa akin ‘yon,” lahad ni Francine.

“Hindi lang para masabi ko na matalino ako, nakapagtapos ako, pero pangarap ko rin po talaga ‘yon para sa sarili ko,” aniya pa.

Nagpatuloy sa pag-aaral si Francine, noong 2022 ay binahagi niya ang pagbabalik sa face-to-face class.

Sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities nag-aaral si Francine.

See Related Story Here:

Kapiling si Francine Diaz! Seth Fedelin bongga ang birthday celebration