Nasa kasarapan ng tulog ang isang pamilya nang biglang sumambulat ang granada sa loob ng kanilang tindahan sa Kabacan, Cotabato province.
Nangyari ang insidente dakong alas1:10 ng madaling araw nitong Linggo, Agosto 13.
Ayon kay Kabacan town police chief Lt. Col. Maxim Peralta, natutulog ang mga biktima nang biglang sumabog ang granada.
Kinilala ang mga biktima na sina Wadzere Salasal, asawang si Norma at anim na taong gulang na anak na si Amanie.
Agad namang naisugod sa isang ospital sa Barangay Poblacion ang mga biktima matapos magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nasa likod nito.