Patay ang isang sundalo habang pitong iba pa ang sugatan matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang grupo ng armadong kalalakihan sa bayan ng Ungkaya, Basilan nitong Sabado.
Sa statement ng Western Mindanao Command (Wesmincom), tinatayang nasa 10 armadong kalalakihan ang umambus sa tropa ng Alpha Company ng 64th Infantry Battalion na magsasagawa lang sana ng ocular inspection para sa gagawing outreach program sa Agosto 18, kasama si Ungkayan Pukan Vice Mayor Ahmadin Baharim sa Barangay Ulitan dakong alas-3:45 ng hapon.
Lulan ang mga sundalo na pawang mga miyembro ng Joint Peace and Security Team ng dalawang KM 450 at dalawang civilian vehicles nang maganap ang pananambang.
Nakuha pang manlaban ng tropa ng pamahalaan na ikinasawi ng isang sundalo habang anim pang sundalo at isang pulis ang sugatan sa pangyayari.
“This act is a clear manifestation of the perpetrators’ disrespect to their local government officials, the military, and their fellow Basileños, hence, we will not stop until these heartless individuals are identified and neutralized,” pahayag ng Wesmincom sa kanilang statement.
“Rest assured that this incident will not be tolerated and we will work doubly to disallow the malefactors to perpetrate such incident,” dagdag pa nito