Nadaig ng koponan ng Dominican Republic ang Gilas Pilipinas sa pagbubukas ng FIBA World Cup 2023.
Nagtapos ang laro sa sa final score na 87-81 pabor sa Dominican Republic.
Dismayado man ang fans, marami pa rin ang nagpalakas ng loob sa 12 manlalaro ng Gilas na mahusay anilang humarap sa laro.
Kabilang sa mga naging kritikal na parte ay nang ma-foul out si Jordan Clarkson kung kailan pinaka kailangan siya, 3:30 minuto bago magtapos ang laban.
Samantala, nagawa namang mabasag ng Philippine crowd ang FIBA World Cup attendance record nang makapagtala ng 38,115 na nanood ngayong August 25, 2023 sa Philippine Arena.