Sinunod-sunod na ni Primetime Queen Marian Rivera ang mga TikTok dance trend kung saan ginawa naman nito ang kanyang dance challenge gamit ang kanyang kantang “Sabay Sabay Tayo” na ngayon ayumani na rin ng milyon-milyong views.
“Getting so many requests for this dance challenge!” she wrote in the caption. “Tara na[.]” ayon sa caption ni Marian sa kanyang latest dance craze.
Labintatlong oras matapos i-upload ni Marian ang “Sabay Sabay Tayo” dance challenge, may 12.9 milyong views na ito.
@marianrivera Getting so many requests for this dance challenge! Tara na #SabaySabayTayo #MarianRivera #fyp #DanceTrend #DanceChallenge ♬ Sabay Sabay Tayo – MarianRivera
Tuwang-tuwa naman ang mga fans ni Marian.
“IBA TALAGA ANG ISANG MARIAN RIVERA😍 NEW DANCE CRAZE IS WAVING!!”
“IM LIVING FOR MARIAN RIVERA’S TIKTOK VIDEOS!!!!”
Patuloy naman ang request ng mga followers ni Marian sa “Marimar” dance challenge.
“marimar dance naman sana plss.”
“Ramdam ko na marimar na next.”
Patuloy pa ring umaani ng mga view ang mga naunang TikTok dance videos ni Marian na sinundan na ng mga kilalang celebrities at fans na nagpauso pa ng face swap. Napauso rin ni Marian ang kanyang pang-lalaking pormahan gamit ang baseball cap, jogging pants at T-shirt.
Magugunitang unang sinubukan ni Marian ang dance challenge ng “Price Tag” na ngayon ay may 166.8 milyong views na bago isinunod ang “Plenty” dance video na ngayon ay may 99.5 milyong views na.