I-flinex ni Kathryn Bernardo ang paglalaro niya ng golf sa Switzerland.
Sa kanyang Instagram post, ilang litrato ang ibinahagi ni Kathryn kung saan makikita siyang naglalaro ng golf.
“A test of patience, but definitely one for the books! 🤭⛳️” ani Kathryn sa kanyang post.
https://www.instagram.com/p/CwsRA2dqPJH/?img_index=5
Kasama naman sa mga larawang ibinahagi ni Kathryn ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.
Habang sa isang hiwalay na post, kasama nina Kathryn at Daniel ang newly-wed couple na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.
Ang apat ay kabilang sa naimbitahan sa Omega European Masters event na ginanap sa Switzerland.