WebClick Tracer

‘Sa Pilipinas bawal matalo eh’ – Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes

Matinding sama ng loob ng inihayag ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes nang magbitiw ito bilang head coach. Aniya pa, bawal matalo sa Pilipinas.

“Sa Pilipinas bawal matalo,” pahayag ni Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes matapos ihayag ang kanyang pagbibitiw bilang head coach.

Sa mga laban ng Gilas Pilipinas kung saan apat ang sunud-sunod na pagkatalo at iisa lamang ang naging panalo, nakaranas ng matinding pag-atake si Reyes sa social media maging sa mismong mga laro ng koponan kung saan ilang beses itong na-‘boo’ ng audience.

Sinabi ni Reyes na napagdesisyunan niyang magbitaw na sa Gilas.

“I arrived with that decision with my family. I just think it’s time,” pahayag ni Reyes sa interbyu matapos talunin ng Gilas Pilipinas ang China sa kanilang huling laban.

“We fought all of those opponents, Italy, Dominican, Angola, but we fell short. But France didn’t advance, Australia is not advancing, there’s so many powerful teams that are not advancing,” ani Reyes. “Pero sa Pilipinas, bawal matalo eh. Dito sa ating mga Pinoy, bawal matalo.”

Inamin ni Reyes na masyado siyang nasaktan higit ang kanyang pamilya sa mga pamba-bash sa social media at sa mga pambo-boo sa kanya kapag may laban.

“It’s just too heavy, masyado nang masakit, mahirap. Just to be very honest, bastos naman talaga ‘yung mga ibang pinagsasabi so I don’t deserve it and my family doesn’t deserve it.”