WebClick Tracer

Biyahe ng maliliit na bangka suspendido sa ilang bahagi ng Luzon

Sinuspinde ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng mga maliliit na sasakyang dagat.

Suspendido ang paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Lunes, September 4, 2023.

Batay sa notice na ipinalabas ng Coast Guard District Southern Tagalog, lahat ng pagbiyahe ng mga watercrafts na nasa 250GT pababa ay suspendido sa Romblon, Southern Quezon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, at Marinduque.

Ito umano ay kaugnay ng weather forecast na inisyu ng PAGASA ngayong September 4, 2023 kung saan inaasahan ang malalakas na puwersa ng hangin dulot ng Typhoon Hanna at Habagat na patuloy na nakakaapekto sa western at southern seaboard ng Southern Luzon.

See Related Story Here:

2 estudyante nilamon ng dagat