WebClick Tracer

Tricycle driver todas nang mabagsakan ng puno

Buwis-buhay ang isang tricycle driver makaraang mabagsakan ng puno.

Binawian ng buhay ang isang tricycle driver makaraang mabagsakan ito ng natumbang puno habang bumibiyahe sa General Trias, Cavite.

Kitang-kita sa CCTV ang nangyaring aksidente sa kalsadang sakop ng Barangay San Francisco sa General Trias.

Makitang nagdadaan ang ilang tricycle nang bigla na lamang mitumba at tuluyang bumagsak ang isang malaking puno. Saktong nabuwal ito ang puno sa isang tricycle.

Bagama’t nasa kabilang side ng kalsada ang tricycle, naabot pa rin ito at nabagsakan ng mga sanga.

Nayupi ang tricycle at napuruhan sa ulo ang driver na si Abelardo Adriano, 46-anyos, na siyang ikinasawi nito.

Batay sa imbestigasyon, lumambot ang lupang kinatitirikan ng puno dahil sa sunod-sunod na pag-ulan.