Naaliw ang mga netizen kay Pia Wurtzbach sa TikTok video nito na sumusundo ng asawa sa Ninoy Aquino International Airport.
Sa naturang video, makikita si Pia na excited na sinisilip ang kanyang mister na si Jeremey Jauncey.
“Ayan na bebe,” paulit-ulit na sabi ni Pia nang makitang palapit na sa kotse ang kanyang mister.
Sa caption ni Pia, nahihiya siyag mag-moment sa airport kaya hindi siya bumaba ng kotse:
“Nakakahiya kasing magmoment sa harap ng maraming tao.”
Sey naman ng mga netizen:
“Sundo sa AFAM sa airport 😁 you are the cutest, Pia and Jeremy.”
“That’s so authentic of you Ms. Pia. We love you so much ❤”
“Cuuute Queen P!Super relate sa caption.”
“ayan na bebehhh” HAHAHA”
Sa ngayon ay may 2.4 milyong views na ang TikTok video ni Pia dalawang araw matapos niya itong i-upload.
@piawurtzbach Nakakahiya kasing mag moment sa harap ng maraming tao 😛😛 #fyp #tiktokph #afam ♬ original sound – Pia Wurtzbach Jauncey
See Related Story Here: