WebClick Tracer

Nadia Montenegro binuking si Maricel Soriano: Hinimatay dahil sobrang linis, may sariling arinola!

May nakilala na ba kayong tao na walang bakterya sa katawan? Well, buhay na patunay daw niyan si Maricel Soriano, base sa pagbubuking ni Nadia Montenegro.

May nakilala na ba kayong tao na walang bakterya sa katawan? Well, buhay na patunay daw niyan si Maricel Soriano, base sa pagbubuking ni Nadia Montenegro.

Sa vlog ni Maricel, nakasama niya si Nadia para sa ref raid, kung saan ipinagluto rin siya ni Nadia ng masarap na gambas.

Habang kumakain nga ang dalawa ay naikuwento ni Nadia ang isang eksena nang minsan silang magkasama sa isang project at bigla raw hinimatay ang Diamond Star.

Dahil magkaeksena raw sila nang time na ‘yun talagang kinabahan daw si Nadia at sumama sa ospital kung saan dinala si Maricel.

“Minsan nasa shooting kami. ‘Yang puti niyang ‘yan namutla pa…hinimatay, dinala sa ospital. Eh, ako ang kaeksena niya (so) natarantan ako sabi ko, ‘sasama ako sa ate ko’,” kwento ni Nadia.

“So nasa ospital kami, tinanong ko ‘yung doktor, ‘doc ano pong diperensya ni ate ?’” ang sagot umano sa kanya ng doktor, “masyado siyang malinis.”

“Wala po siyang bakterya sa katawan. Totoo po ‘yun! May nakilala na ba kayong tao na walang bakterya sa katawan? Isang Diamond Star lang,” natatawang kwento ni Nadia.

Binuking nga ni Nadia ang sobrang kalinisan daw ni Maricel lalo na sa shooting. As in kompleto pati sariling arinola.

“May arinola po ‘yan…Kompleto po ‘yan ‘yung sasakyan niyan, ‘yung kwarto niyan…hindi ‘yan iihi kung saan-saan. At ‘yung kanyang ihian, hindi po tubig ang laman nun, alcohol! Para ‘pag tumalsik nga naman alcohol ‘yung tatalsik,” sey ni Nadia.

Agree naman dito si Maricel at sinabi nga niyang, matutulog na nga lang daw siya ay marami pa siyang ritwal na ginagawa.

“Wala pa itong pandemic na alchol-alcohol, ito na! 80s pa lang kailangan malinis, may wipes” sabi pa ni Nadia.