Booster shots hindi pa pinapahintulutan

Nabasa ko sa Twitter kamakailan ang isang diskusyon tungkol sa pagkuha ng booster shots ng bakuna laban sa COVID-19. Umamin kasi ang isa na fully vaccinated na raw siya at nakakuha siya karagdagang bakuna o booster shot mula sa kompanyang kanyang pinagtatrabuhuhan. May isa namang sumagot at sinabing bawal daw ang ginawa ng una dahil hindi pa pinapahintulutan ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster shots. Kontra naman ng pangalawa ay hindi naman daw sa LGU o local government unit niya nakuha ang karagdagang turok dahil galing ito sa private sector.

1 2 3 7